POLICE REPORT | Rambolan ng Kabataan Tutukan

DAGUPAN CITY- Tututukan ang rambolan ng kabataan sa Dagupan City ayon sa PNP Dagupan City dahil umano sa laganap na kaguluhan sa siyudad.

Kamakailan lamang nagkaroon ng rambolan sa siyudad noong ika-9 ng Pebrero 2018 at ayon kina SPO3 Jailine D. Aquino at SPO2 Fe Bernardino, spokespersons ng Department of Social Welfare and Development o DSWD Dagupan Chapter ang nangyaring rambolan ng dalawang kabataan ay nangyari sa ganap na 5:00 ng hapon sa Pajarillo Lying Inn, A.B. Perez Blvd. Sangkot dito ang isang 16 years old at 15 years old na nagkainitan.

Dahil dito nagpulong ang Dagupan PNP at mga fraternities sa lungsod upang magkaisa sa nasabing proyekto at paiigtingin ang pagbabantay sa mga kabataaan na nagpapasimula ng rambulan.


Ang mga kabataaan na masasangkot sa rambulan ay bibigyan ng counselling ng DSWD. Matatandaan na ang lungsod ay isa sa Finalist ng Presidential Award For Child Friendly Municipalities-Cities.

Ulat nina Anthonette Joyce Camacho at Maricel Erguiza

Facebook Comments