Dagupan City – Magkakasunod na putok ng baril ang umalingawngaw 9:15 pm sa harapan ng isang restaurant sa Tapuac District Dagupan City. Bumulagta ang mga duguang katawan nila Johnny Baniqued dalawang kasamahan nito na sina Oscar Fernandez at Peter Ramos na pawang mga residente ng Barangay IV, Dagupan City.
Dead on arrival sina Baniqued na isang Real Estate broker at Fernandez na isang College Professor sa ospital na pinagdalhan sa mga ito. Papasakay na ang mga biktima sa kanilang sasakyan ng paulanan sila umano ng mga hindi pa nakikilalang mga salarin na sakay ng motorsiklo. Sa imbestigasyon ng SOCO natagpuan naman sa crime scene ang 16 na basyo ng kalibre .45.
Maswerte namang nakaligtas ang isa pa nilang kasama na si Peter Ramos na itinuturing ng mga kapulisan na primary witness sa pangyayari.
Dati na umanong may banta sa buhay si Baniqued na nakaligtas sa unang pananambang noong March 2015 na may kinalaman sa business. Samantala humiling ng security escort ang asawa ni Baniqued sa kapulisan upang masiguro ang kanilang kaligtasan.
Nanawagan naman ang mga kasamahan sa trabaho at mag-aaral ng pinapasukang eskwelahan ni Oscar Fernandez ng katarungan sa nasabing professor na nadamay lamang sa insidente.
Sa ngayon siniguro ng PNP Dagupan na tutukan nila ang nasabing insidente para sa agarang paglutas sa kaso.
*Photo credited to the owner*
POLICE REPORT | Real Estate Broker at College Professor sa Dagupan patay sa pananambang!
Facebook Comments