Police Security and Protection Group, tutulong sa pagtiyak ng seguridad ng president at vice president-elect sa mismong araw ng kanilang inagurasyon

Susuporta ang mga tauhan ng Police Security and Protection Group (PSPG) sa Presidential Security Group (PSG) sa pagbibigay ng seguridad kay President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at Vice President-elect Sara Duterte Carpio para sa kanilang inagurasyon.

Ito ang tiniyak ni Philippine National Police Public Information Office (PNP-PIO) Chief BGen. Rhoderick Augustus Alba.

Aniya, batay sa Section 35 ng Republic Act 6975 o ang DILG Act of 1990 ang PSPG ay inaasahang susuporta sa PSG para tiyakin ang kaligtasan ng president-elect, vice president-elect at kanilang first family.


Pero ayon kay Alba, confidential ang bilang ng PSPG na titiyak sa kaligtasan ng mga bagong pinuno ng bansa para na rin sa security purposes.

Giit ni Alba, ang mahalaga ay handa palagi ang PNP sa pagtiyak na magiging ligtas ang president at vice president-elect.

May mahigpit na ugnayan na aniya sila sa PSG para magiging deployment sa gagawing inagurasyon.

Facebook Comments