Police security personnel ni Sen. Go, naibalik na

Kinumpirma ni Philippine National Police Public Information Officer (PNP-PIO) Chief Police Colonel Jean Fajardo na naibalik na ang mga police security personnel ni Senator Bong Go.

Ayon kay Fajardo, ni-recall ng PNP Police Security and Protection Group (PSPG) ang lahat ng mga PNP personnel na nagsisilbing protective security sa mga authorized individual kabilang na ang mga government officials noong unang linggo ng Hulyo.

Ito’y kasunod ng isyu ng moonlighting.


Isinailalim aniya ang mga ito sa refresher training at pagkatapos ay ibinalik din sila sa mga authorized individual kabilang na ang police security personnel ng mga senador.

Facebook Comments