Police Senior Superintendent Juan Ramil Aggasid, Pormal nang Nanungkulan Bilang City Director ng Santiago City Police Office!

Santiago City – Pormal nang naupo sa katungkulan bilang City Director ng Santiago City Police Office si Police Senior Superintendent Juan Ramil Aggasid.

Sa naging panayam ng RMN Cauayan kay Police Superintendent Melchor Ariola, ang bagong tagapagsalita ng Santiago City Police Office na pinalitan ni PSSupt. Aggasid si PSSupt. Percival Rumbaoa na pansamantalang itinalaga sa Police Regional Office2.

Ayon pa kay PSupt. Ariola naging Group Director ng Santiago City Mobile Group at Chief for Operations sa Regional Office 2 si PSSupt. Aggasid kung kaya’t gamay na umano nito ang anumang tungkulin.


Ayon pa sa naturang opisyal ipagpapatuloy lamang umano ni PSSupt. Agassid ang mga programang nasimulan ng mga naunang City Director pangunahin na ang kampanya kontra droga at pagpapalakas sa mga unit ng kanilang nasasakupan.

Kabilang din umano ang disiplina at pag-iingat sa sarili ng kapulisan at kung kinakailangan umano ay gamitin narin ang kanilang mga baril upang maprotektahan ang kanilang mga sarili laban sa mga kriminal na sangkot sa droga sa dahilang pumapatay na ng kapulisan sa ngayon ang mga suspek.

Facebook Comments