Police station commanders sa Metro Manila, sumasalang sa drug test sa Camp Bagong Diwa

Ipinatawag ng pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang lahat ng station at sub-station commanders sa Metro Manila para sumalang sa drug test sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Ayon kay NCRPO acting Chief Police MGen. Jonnel Estomo, layunin nito na matiyak at maipakita na malinis ang kanilang hanay.

Bukod dito, bilang suporta na rin aniya ito sa internal cleansing na ginagawa ng Department of the Interior and Local Government.


Kabuuang 111 station at sub-station commanders sa National Capital Region (NCR) ang sumalang sa drug test.

30 rito ay station commanders mula sa Manila Police District at Quezon City Police District.

Habang 35 naman ang sub-station commanders mula sa Northern Police District, 24 sa Eastern Police District at 52 mula sa Southern Police District.

Una nang sumalang sa drug test ang mahigit 70 generals at colonels ng NCRPO kasabay ng kanilang paghahain ng courtesy resignation.

Facebook Comments