Police Supt. Marvin Marcos, balik trabaho na bilang hepe ng CIDG region 8

Manila, Philippines – Inanunsyo ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na balik serbisyo na si dating CIDG region 8 Chief, Supt. Marcos at 18 pulis na kasamahan nito.

Ayon kay Dela Rosa, itinalagang bagong hepe ng CIDG region 12 o SOCCSKSARGEN si Marcos.

Nilinaw naman ni National Police Commission (NAPOLCOM) Vice Chairman Rogelio Casurao, hindi tinanggal sa pagkapulis si Marcos dahil walang ipinataw na suspension order sa kanya.


Samantala, balak muling buksan ni Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairman Panfilo Lacson ang imbestigasyon sa pag-reinstate kay Marcos sa pagbubukas ng second regular session ng kongreso.

Facebook Comments