Police visibility, mas paiigtingin sa harap ng mas maraming establishment ang papayagang mag-operate simula bukas

Iniutos na ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Archie Gamboa sa lahat ng mga police commanders ang mas maigting na police visibility sa mga business districts sa kanilang mga area of responsibility.

Ito ay matapos na ianunsyo ni National Task Force on COVID-19 Chairman at Defense Secretary Delfin Lorenzana na papayagan na simula bukas, September 1 na mag-operate ang mas maraming business establishments.

Ayon naman kay Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, Commander ng JTF COVID Shield, kailangang paghandaan ng mga police commanders ang dami ng taong lalabas dahil sa mas maraming establishment ang magbubukas.


Aniya, inutos na niya sa mga police commanders na mahigpit na makipag-ugnayan sa mga Local Government Units (LGUs) para sa operation guidelines sa pagpapatupad ng quarantine rules sa harap ng mataas na banta pa rin ng COVID-19.

Sinabi ni Eleazar na kinakailangan na sumunod at pairalin ng mga may-ari at store manager ng mga business establishment ang minimum health safety standard protocols para sa mga empleyado at mga customers.

Facebook Comments