San Agustin, Isabela – Mas pinaigting ngayon ng PNP San Agustin ang pagbabantay sa mga matataong lugar lalo sa mga lansangan dahil na rin sa nalalapit na 2019 Midterm Elections.
Ito ang ibinahagi ni Police Captain Josh Bert Asuncion, Deputy Chief of Police ng PNP San Agustin sa eksklusibong panayam ng 98.5 RMN Cauayan sa kanya.
Aniya, tatlong beses nilang isinasagawa ang Comelec Checkpoint sa isang araw upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan ng lugar.
Ayon pa kay P/Capt. Asuncion, malaking tulong ang nasabing aktibidad sa publiko upang mas mabantayan ang gawain ng mga tao.
Kaunay nito, payapa rin ang naturang bayan dahil na rin sa ibinibigay na suporta at pakikiisa ng mga barangay sa pangunguna na rin ng Liga ng mga Barangay.
Samantala, nakapagdeklara na rin anya ng apat na Drug Free Barangay ang naturang bayan at isang Drug Cleared Barangay.
Umaasa ang pamunuan ng PNP San Agustin na magiging Drug Cleared na ang bayan ng San Agustin, Isabela ngayong taong 2019.