Police visibility, paiigtingin ng PNP ngayong ‘ber’ months

Manila, Philippines – Magpapakalat ang Philippine National Police (PNP) ng mas maraming pulis ngayong ‘ber’ months.

Ayon kay PNP Chief Ronald dela Rosa – nakapagbigay na siya ng direktiba sa mga pulis kaugnay ng mas mahigpit na pagbabantay at pagpapalawak ng kanilang presensya sa mga pampublikong lugar.

Dagdag pa ni dela Rosa – tumataas din sa panahong ito ang demand sa ilegal na droga.


Aniya, ang mga kabataan din ang madalas na nabibiktima ng party drugs.

Target ng PNP ang zero casualty sa nalalapit na pasko at bagong taon.

Facebook Comments