Mas Paiigtingin ng Mangaldan Police Station ang kanilang presensya ngayong mayroon na lamang labing pitong araw bago ang halalan.
Ayon Kay MPS Officer in Charge ng PLTCOL. Perlito Tuayon, dahil nasa ilalim ng yellow category hindi ito magpapabaya sa mahigpit na police visibility.
Aniya, palalakasin pa umano nila ang kanilang pwersa sa labas at mainam na makita ng publiko na mayroong mga namomonitor na mga kapulisan sa mga lugar na nangangailangan.
Binigyang diin ng Opisyal na, Isa ito sa Paraan ng pulisya upang maiwasan ang anumang krimen tulad ng mga pagnanakaw at kalakalan ng iligal na droga.
Pakiusap naman nito ang kooperasyon ng publiko at sumangguni sa kanilang tanggapan sa oras na may nagaganap na krimen, iligal na gawain o ano man insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments







