*Cauayan City, Isabela- *Iminungkahi ni Sangguniang Panlungsod Danny Asirit, ang Chairman ng Committee on Peace and Order at dating hepe ng PNP Cauayan na paigtingin ang Police Visibility sa mga kalye sa Lungsod ng Cauayan.
Ayon kay SP Member Asirit, makikipagkoordinasyon umano siya kay Pol. Supt. Nelson Vallejo na dagdagan ang mga nakabantay na pulis sa mga kalye dito sa Lungsod para sa agarang pagresolba sa mga maaaring maganap na insidente.
Kaugnay nito ay maglalagay na rin umano ang Pamahalaang Panlungsod ng mga CCTV Camera sa mga kanto na nasasakupan ng Lungsod ng Cauayan upang makatulong sa mas madaliang imbestigasyon ng kapulisan gaya sa mga nangyayaring holdap at nakawan dito sa Lungsod.
Ito ay upang makita at mabantayan rin umano ng mga otoridad ang mga motoristang sumasaway sa batas trapiko.
Samantala, pinarangalan rin ng Pamahalaang Panlungsod at ng PNP Cauayan City sa isinagawang flag raising ceremony kaninang umaga, Agosto 6, 2018 ang ilang mga brgy. Kapitan dito sa Lungsdo dahil sa kanilang mga nagawang accomplishments sa pakikipagtulungan sa mga programa ng kapulisan sa kanilang nasasakupan.