Police visibility sa mga pampublikong pasyalan, pinaigting

Inutos na ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Guillermo Eleazar sa mga police commander sa Metro Manila na paigtingin ang police visibility sa mga pampublikong pasyalan.

Ito ay sa harap na rin ng muling pagbubukas ng mga tourist spot at restaurant sa pinaluwag na quarantine restrictions sa ilalim ng Alert Level 4.

Sinabi ni Eleazar, binuksan na ang Rizal Park sa publiko pero pinahintulutan ng Department of Tourism (DOT) ang hanggang 500 tao lang na makapasok.


Ilan ding pasyalan sa Intramuros ang nagbukas na pero limitado lang ang oras.

Ayon sa PNP chief, ang presensya ng mga pulis sa mga lugar na ito ay magsisilbing paalala sa mga mamayan na palaging sumunod sa mga ipinapairal na public health safety standards.

Bilin din ni Eleazar sa mga pulis na laging maging magalang sa pagsita ng violators.

Hihinikayat din ng PNP chief ang mga business establishment na maging mabusisi sa pag-check ng vaccination cards ng kanilang mga customer.

Facebook Comments