Police visibility sa Shariff Aguak, Maguindanao at iba pang lugar, mas padadamihin kasunod ng nalalapit na eleksyon 2025

Mas palalakasin pa ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang presensya sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur at iba pang lugar matapos ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) nitong Oct. 8, 2024.

Ito ay matapos magkaroon ng barilan kamakalawa sa kasagsagan ng COC filing kung saan isa ang nasawi at lima naman ang sugatan.

Ayon kay PNP Public Information Office (PIO) Chief PBGen. Jean Fajardo, ipinag-utos na ni PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil ang pagdaragdag ng police visibility sa lugar upang hindi na maulit pang muli ang insidente lalo pa’t nalalapit na ang eleksyon 2025.


Ani Fajardo, kanila ring sisilipin kung may nangyaring failure of intelligence sa nangyaring karahasan sa Shariff Aguak.

Samantala, asahan na aniya ang pagkakaroon ng mga unannounced checkpoints at border control sa mga lugar na may mahigpit na political rivalry.

Inaasahan na kasing mas magiging mainit ang mga tagasuporta ng mga pulitiko pagtapos makapaghain ng COC ng kani-kanilang mga kandidato.

Facebook Comments