Policy interest rate ng BSP, nananatili sa 2%

62

Pinanatili ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang policy interest rate nito sa antas na 2%.

Ang policy interest rate ang nagsisilbing gabay sa pautang ng mga bangko.


Samantala, nananatili rin sa 1.5 % ang interest rate sa overnight deposit facility at 2.5 % interest rate sa overnight lending facility.

Inanusyo naman ng Monetary Board ang nakikita nilang pag-akyat pa ng inflation sa mga darating na buwan.

Bunga rin ito ng panandaliang epekto ng kakulangan ng suplay ng mga pangunahing bilihin, kabilang na ang karne at gulay.

Facebook Comments