Policy review sa mga programa at proseso sa pamahalaan, tinalakay sa isinagawang Cabinet meeting

Natalakay sa Cabinet meeting kanina sa Malacañang ang ilang mga programa at proseso ng gobyerno na kailangang sumailalim sa policy review o mahainan ng panukala, para mapabuti ang serbisyo ng gobyerno sa mga Pilipino.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, kabilang sa mga natukoy na isasailalim sa policy review ay ang mga hamon na kinahaharap para sa pagkakaroon ng efficient na transportasyon, usapin sa red tape, at sistema sa pagi-isyu ng mga permit.

Sinabi pa ng kalihim, ngayong araw ay muling nag-ulat ang Department of Agriculture (DA).


Natalakay aniya sa pulong ang pangangailangan ng policy review o posibleng panukala, para sa pagbabalanse ng importasyon ng bansa sa local production nito, at sa pagtugon sa mga usapin sa over at under production.

Maging ang iba pang hamon sa pagkakaroon ng food security sa bansa.

Maliban sa DA, nag-ulat din ang Department of Transportation, National Economic and Development Authority, Department of the Interior and Local Government, at gobyerno.

Facebook Comments