Polio outbreak, idineklara sa ilang bahagi ng bansa

Idineklara na ng Department of Health (DOH) ang polio outbreak sa bansa matapos ang 19 na taon.

Ito ay kasunod ng pagdapo ng sakit sa isang tatlong-taong gulang na bata sa Lanao del Sur.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III – ang bata ay hindi nabakunahan kontra polio.


Dahil dito, inihahanda na ng DOH ang rapid response sa polio outbreak sa tulong ng Local Government Units (LGU) at iba pang ahensya.

Hinimok din nito ang mga magulang na ipabakuna ang mga anak kontra polio upang makontrol ang outbreak at maprotektahan ang kanilang mga anak sa pagkakabaldado.

Mahalaga ring magkaroon ng personal hygiene at malinis na kapaligiran.

Facebook Comments