Polio Vaccination Coverage, umabot na sa halos 100%

Kinumpirma ng Dept. of Health (DOH) na halos 96%na ang coverage ng bakuna kontra Polio.

Ito’y kasabay ng paglulunsad ng “Sabayang Patak Kontra Polio” sa National Capital Region (NCR) at sa Lanao Del Sur, Marawi City, Davao Del Sur at Davao City sa Mindanao mula October 14 hanggang 27.

Sa datos ng DOH, mahigit 1.2 Milyon o 95.58 percent na mga sanggol mula 0-59 buwan sa 17 syudad, munisipalidad sa NCR ang nabigyan ng Oral Polio Vaccine (OPV).


Mahigit 66,000 ang nabakunahan sa Davao Del Sur habang sa Lanao Del Sur ay mahigit 143,000 ang nabigyan ng OPV.

Ayon kay Health Sec. Francico Duque III, patunay ito na marami na ang bumalik ang tiwala sa bakuna na makakatulong sa Immunization Programs ng gobyerno.

Hinikayat ng kalihim ang mga magulang na patuloy na suportahan ang sabayang bakuna kontra Polio.

Muling magsasagawa ng sabayang patak kontra Polio sa November 24 para sa second round sa NCR at buong Mindanao habang ang third round sa Mindanao ay sa Januaray 6, 2020.

Facebook Comments