Polis inaresto dahil sa kasong paglabag sa Art. 224 ng Revised Penal Code.

Inaresto ang isang polis ng Koronadal City Pnp sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Marlo Brasales, Presiding Judge ng Mtcc hall of Justice Koronadal City dahil sa kasong paglabag sa Article 224 ng Revised Penal Code o Evasion through negligence.
Kinilala ang nasabing polis na si PO1 Mark Narcisssus Dondiego Apura, 33-anyos at residente ng Prk Graciavilla, Brgy. Zone 1, Koronadal City.
Si Apura ang natakasan ng isang bilanggo habang nagpapagamot ito sa South Cotabato Provincial Hospital noong Hunyo 30, 2016.
Ngunit nakapyansa naman ang nasabing polis ng P6, 000.00 para sa kanyang temporaryong kalayaan.

 

Facebook Comments