Polisiya at repormang isinusulong ng Duterte administration, maitutuloy

Makakabuti sa kasalukuyang administrasyon ang pagkapanalo ng senatorial candidates na inendorso ni Pangulong  Rodrigo Duterte upang maipagpatuloy ang mga polisiya at reporma nito.

Ito ay ayon sa credit watcher Fitch ratings.

Ayon kay Fitch ratings sovereigns team associate director Sagarika Chandra – ang resulta ng eleksyon ay makakatiyak ng matibay na mayorya sa Senado.


Aniya, magkakaroon ng policy continuity sa nalalabing termino ng Pangulo.

Nabatid sa partial and unofficial results, dominante ang administration at pro-Duterte bets sa top 12.

Inaasahang repormang matatalakay sa susunod na Kongreso ay ang second package ng tax reform program at trabaho bill.

 

Facebook Comments