Polisiya at sistema sa pagsasagawa ng air strike, pinaparepaso ng liderato ng Senado

Manila, Philippines – Pinaparepaso ni Senate President Koko Pimentel sa Armed Forces of the Philippines ang polisiya, sistema at estratehiya sa pagsasagawa ng airstrike o pag-atake mula sa himpapawid.

Ang pahayag ay ginawa ni Pimentel, makaraang masawi ang 11 sundalo at masugatan ang pito sa airstrike na isinagawa sa Marawi.

Aminado si Pimentel na nangyayari ang tinatawag na friendly fire kung saan hindi sinasadyang tinatamaan ng mga sundalo ang kanilang kasamahang sundalo.


Giit ni Senator Pimentel, dapat maging maingat at i-double check mabuti at hindi basta dapat ibatay lang sa instructions o teknolohiya kung paano magpakawala ng bomba.

“Dapat nga nag-iingat ang tawag nga dyan the military invented the term friendly fire, ibig sabihin nun your own men died from fire coming from his comrades, nagkamali po yun.
Huwag sila masyadong maniwala sa naka-rely sa technology sabi nila ipasok lang daw yung coordinates doon na tatama yung bomba you double check hindi yung on paper that might be the way that the bombs were marketed but in reality tama ba? So mag-ingat po tayo huwag tayo masyado maniwala on how the weapons were marketed.” – Pimentel

Samantala, natapos na ang necrological services na ipinagkaloob ng Senado kay dating Senator Eva Estrada Kalaw.

Naialis na rin dito ang labi ng dating Senadora na nakatakdang dalahin sa kanyan huling hantungan bukas sa Loyola Memorial Park sa Sucat, Parañaque.
DZXL558

Facebook Comments