Polisiya kung maaari nang bumiyahe ng walang RT-PCR test ang mga fully vaccinated na, wala pa – Palasyo

171

Wala pang ipinalalabas na hakbang ang World Health Organization (WHO) na maaari nang magtungo sa ibang bahagi ng bansa ang mga nakakumpleto na ng bakuna ng hindi na kailangang sumailalim sa RT-PCR test.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, wala pang ganoong polisiya lalo pa’t nagsisimula pa lang dumami ang supply ng bakuna sa bansa.


Wala pa rin aniyang nabubuong consensus kung talagang magkakaroon na ng lifting of restrictions para sa mga indibidwal na nakatanggap na ng bakuna.

Sabi ni Roque, pag-asa na lang nila na magkakaroon sana ng mga bilateral negotiations sa pagitan ng mga bansa at sa huli’y magkaroon na multilateral treaty.

Facebook Comments