Tiniyak ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, na susundin ng Kamara ang anumang magiging polisiya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Kaugnay ito sa ginagawang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC), ukol sa ikinasang war-on-drugs ng administrasyong Duterte.
Pahayag ito ni Romualdez, makaraang sabihin ni Pangulong Marcos na pinag-aaralan kung babalik ang Pilipinas sa ICC.
Muli, nilinaw ni Romualdez, na pagpapahayag lamang ng saloobin ng mga kongresista ang tatlong resolusyon na humihikayat sa pamahalaan na makiisa sa ICC probe sa war-on-drugs.
Una ring nilinaw ni Romualdez, ang naturang mga resolusyon ay hindi naman prayoridad ng Kamara at tinatrato katulad ng pangkaraniwang proseso para sa mga resolusyon at panukalang batas.