Polisiya ng PNP sa mga operasyon, pinaparepaso ng isang kongresista

Pinaparepaso ni Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles ang polisya ng Philippine National Police o PNP sa kanilang mga operasyon upang maiwasan na mayroong masawi na mga sibilyan.

Mungkahi ito ni Nograles sa PNP, makaraang mabaril ng pulisya at masawi ang isang 15-anyos na binatilyong si John Frances Ompad sa isang police operation sa Montalban, Rizal noong Aug 20.

Giit ni Nograles, hindi maaaring ‘shoot first’ ang policy ng kapulisan sa ganitong mga operasyon na salungat sa kanilang motto na ‘to serve and protect.’


Dismayado si Nograles na parang paulit-ulit na lang ang ganitong balita na may namamatay na civilian dahil sa masyadong agresibo ng mga kapulisan.

Bunsod nito ay umaasa si Nograles na sa tulong ng imbestigasyon ng Commission on Human Rights (CHR) ay mabigyang-linaw ang sitwasyon at mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni John Frances.

Facebook Comments