Polisiya ni Pangulong Duterte sa WPS, gumagana – Palasyo

Nanindigan ang Malacañang na ang polisiya o approach ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga isyu sa West Philippine Sea (WPS) ay gumagana.

Ito ang sagot ng Palasyo sa mungkahi ni Vice President Leni Robredo na magkaroon ng multilateral approach sa WPS.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, walang nawalang teritoryo ang Pilipinas sa ilalim ng termino ni Pangulong Duterte.


Iginiit ni Roque na si Pangulong Duterte ay punong arkitekto ng foreign policy ng bansa.

Hindi aniya totoo na hindi gumagana ang bilateral talks sa WPS.

Walang nakakalito sa posisyon ni Pangulong Duterte ukol sa WPS.

Facebook Comments