Pinaparepaso ni Deputy Speaker at TUCP Party-list Rep. Raymond Democrito Mendoza sa pamahalaan ang polisiya nito sa deployment ng mga Overseas Filipino Workers o OFWs.
Layunin nito na mapag-ibayo ang pagbibigay kaalaman sa mga OFWs ng kanilang karapatan at kung saan sila maaaring lumapit at magsumbong oras na makaranas ng pang-aabuso.
Iginiit din ni Mendoza na maging proactive at accessible ang ating mga help desk sa diplomatic offices at dapat ding silipin ang kasalukuyang sitwasyon ng mga OFW shelter.
Pinakokonsidera din ni Rillo ang pagpapatupad ng deployment ban sa mga bansa na hindi pa niraratipikahan ang International Labor Organization Convention No. 189 o Domestic Workers Convention of 2011.
Ang nabanggit na mga mungkahi ni Rillo ay sa harap ng panawagang hustisya para kay Jullebee Ranara na karumal dumal na pinaslang ng anak ng kanyang amo sa Kuwait.
Hinggil dito, nais din ni Mendoza na maisama sa review ang bagong labor agreement ng Pilipinas sa bansang Kuwait na nagbabasura sa Kafala system.