Polisiya sa face shield, posibleng bukas maianunsyo ng IATF

Posibleng bukas pa maianunsyo ng Malacañang ang magiging desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) hinggil sa rekomendasyong luwagan na ang pagsusuot ng face shield.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, bagama’t paksa ito ng pagpupulong ngayong araw ng IATF at inaasahang reresolbahin din ngayon bilang Standard Operating Procedures (SOP) aniya ay kailangan niyang hintayin muna ang pirmadong dokumento para dito bago ianunsyo.

Bukod dito, madalas aniya ay may mga last minute changes pa sa mga komento na dapat isama sa resolusyon.


Dahil dito, kinakailangan aniyang masiguro nyang kumpleto na muna ang lahat ng lalamanin ng mga dokumento bago niya ito ianunsyo sa publiko.

Facebook Comments