Polisiya sa pampublikong transportasyon ngayong may COVID-19 crisis, pinaparepaso ni Senator Revilla

Pinarerepaso ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang public transportation policy dahil sa kakulangan ng ligtas na pampublikong sasakyan na maaaring magresulta sa pagkalat ng COVID-19 sa halip na ito ay mapigilan.

Paliwanag ni Revilla, counterproductive at magiging dahilan pa ng pagkalat ng sakit ang dami ng mga pasahero sa kalye na sama-samang naghihintay ng masasakyan.

Aniya, ang pamahalaan ang dapat kumilos dahil hindi patas kung aatasan ang pribadong negosyante na umaahon pa lamang mula sa pandemya na magtalaga ng shuttle service para sa kani-kanilang mga empleyado.


Ipinunto din ni Revilla na 85% ng negosyo sa ating bansa ay Micro, Small, and Medium Enterprises (MSME) na walang kakayahang maglabas ng malaking kapital na gugugulin matapos ang ipinatupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Mungkahi ni Revilla, ikonsidera ang pagbalik pasada ng mga public utility vehicles na tutugon sa pangangailangan ng publiko sa transportasyon at magbabalik sa hanapbuhay ng mga driver na natengga ng halos tatlong buwan.

Facebook Comments