Masusing pinag-aaralan ng pamahalaan kung maaaring luwagan ang polisiya sa pagpasok ng mga dayuhan sa bansa.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, titingnan dito kung kakayanin ng healthcare capacity ng bansa ang pagluwag ng travel restrictions sa foreigners.
Iginiit ni Nograles na hindi maaaring padalos-dalos sa pagdedesisyon .
Punto pa ni Nograles, marami ring Pilipino ang inaasahang uuwi ng bansa ngayong Christmas season.
Sinisilip na rin ng pamahalaan kung papayagang makapasok sa bansa ang mga dayuhan mula sa mga bansang mayroong low hanggang medium COVID-19 transmission.
Ang kasalukuyang IATF policy ay sakop ang foreign investors, foreign personnel ng isang regional o area headquarters ng isang multinational companies, kanilang asawa, at mga anak na hindi lalagpas sa 21 at mga nagtatrabaho sa export processing zone enterprises.