Kampante ang political analyst na si Atty. Michael Yusingco sa mga napili ni Pangulong Bongbong Marcos na mga miyembro ng kanyang gabinete.
Partikular rito ang mga itinalaga ng pangulo sa kanyang economic team na aniya’y talagang mga eksperto at inirerespeto sa usaping pang-ekonomiya.
Pero pagdating sa ibang departamento, nakakabahala aniya ang tila pagkakaroon ng political accommodation.
Inihalimbawa niya rito ang pagtatalaga kay Boying Remulla sa Department of Justice na aniya’y hindi naman bihasa sa naturang sektor.
“Kasi si Secretary Remulla, alam naman natin abogado siya but ang kanyang track record is with local government e also the legislature ‘no. Unlike si Secretary Guevarra ang talagang track record niya is litigation which is essentially what DOJ is, prosecution, service and also connected with law enforcement. So, magandang choice si Secretary Guevara sana to continue as DOJ [secretary],” paliwanag ni Yusingco sa panayam ng RMN Manila.
“This is just one example ‘no na of… na talagang hindi natin maiiwasan mag-isip na baka political accommodation ‘yun, because, bakit ka maglalagay ng outsider when the common sense approach would have been to promote or to appoint someone na bihasa dun sa sektor na ‘yun,” dagdag niya.