Political analyst: Gagawing pag-aresto sa mga dayuhang papasok sa South China Sea, magkakaroon ng malaking latay sa China

Naniniwala ang isang political analyst na makatatanggap ang China ng malawakang pagkondena sa international community sa oras na ituloy nila ang bantang pag-aresto sa “trespasser” sa South China Sea.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, ipinaliwanag ni Dr. Froilan Calilung, political analyst at direktor ng Local Government Development Institute, na maliwanag sa inilabas na manifesto ng China na hindi lang naman sa Pilipinas nakatuon ang anti-trespassing policy nito kundi sa lahat ng dayuhang papasok sa inaangkin nilang teritoryo.

Kapag nagkataon, magkakaroon aniya ito ng malaking latay sa China partikular sa kanilang ekonomiya kaya dapat na maghihinay-hinay rin ito sa pagpapatupad ng polisiya.


Ayon pa kay Calilung, katransaksyon din ng China ang ibang mga bansa na pumapanig sa Pilipinas at hindi malayong magpatupad ang mga ito ng economic sanctions.

Tiyak aniyang hindi gugustuhin ng China na humina ang kanilang ekonomiya kaya mag-iisip din ito bago gumawa ng isang bagay na may negatibong epekto sa kanilang bansa.

Dagdag pa ni Calilung, kung titingnan sa legal standpoint, malinaw na walang legal justification ang banta ng China, malinaw rin daw itong kapag labag sa United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS at sa 2016 arbitral ruling.

Facebook Comments