Manila, Philippines – Nagpaalala ang Commission on Elections (Comelec) sa media tungkol sa bagong discount rates para sa mga political campaign ads para sa May 13 midterm elections.
Ang bagong rates ay nakabase sa Republic Act 11207, na nilagdaan noong Pebrero 14, na siyang nag-aamiyenda sa Republic Act 9006 o Fair Elections Act.
Base sa Comelec Resolution 10517, ang discount rates para sa political propaganda ng mga kandidato at political parties ay tataas ng 50% mula sa dating 30%.
Tinapyasan ng 40% ang rate ng mga campaign ads sa radyo mula sa dating 20% habang nananatili namang nasa 10% ang discount sa print.
Ayon sa poll body, ang rates para sa political ads ay hindi dapat mataas sa rates na ibinibigay sa non-political ads.
Facebook Comments