
Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kailangang maipagpatuloy ang mga reporma ng kanyang administrasyon sa pamamagitan ng paghalal ng susunod na pangulo na kapareho ng direksyon sa 2028.
Ayon sa Pangulo, kapag nagbago ang landas ng pamahalaan, posibleng maputol ang mga programang nagsisimula pa lamang magpakita ng resulta.
Madalas aniyang mangyari na natitigil ang mga proyekto sa pagpasok ng bagong administrasyon, lalo na kung magkaiba ang polisiya.
Binigyang-diin din ng Pangulo na nakatuon ang kanyang mga reporma sa pagpapalakas ng ekonomiya at paghikayat ng mas maraming mamumuhunan sa bansa.
Dagdag pa niya, pinalawak ng pamahalaan ang mga programa sa edukasyon, kalusugan, at social benefits upang mas agad maramdaman ng publiko ang tulong ng gobyerno.
Aminado naman ang Pangulo na hindi madaling ipaliwanag ang ilang usaping pang-ekonomiya, ngunit mahalaga aniya na maunawaan ng taumbayan ang direksyong tinatahak ng pamahalaan.










