Political Director ng Sarangani pinabulaanang may nakapasok nang miyembro ng Maute Group sa Sarangani

Pinawi ng Political Director ng Moro National Liberation Front (MNLF) central Committee na si Wennie Hajirol ang pangamba ng mamamayan ng Sarangani at General Santos matapos sa mga kumakalat na Impormasyon na mayroon nang miyembro ng Mauti Group ang nakapasok sa Sarangani.

Sinabi ni Hajirol na walang katutuhanan ang mga kumakalat na impormasyon lalo na ang sinasabing mayroong kasapi ng Mauti Group na sugatan na ginagamot sa Glan Municipal Hospital.

Dagdag pa nito na kung mayron mang nakapasok na mga terorista makakatanggap kaagad sya ng report dahil magbibigay ng impormasyon ang kanyang mga tauhan na nasa Sarangani Province.


Sinabi pa nito na hindi basta basta makapasok ang mga terorista sa Sarangani at sa iba pang lugar sa SOCKSARGEN dahil na rin sa mas pinaigting na seguridad na ipinatutupad ng pulisya at ng Philippine Army.

Facebook Comments