Naniniwala ang isang political analyst na sinisira ng political dynasties ang demokrasya sa pamamagitan ng paglimita ng mga mapagpipiliang kandidato sa eleksyon.
Sa interview ng RMN Manila, ipinunto ni Atty. Michael Yusingco ng Ateneo School of Government na mali ang dynasty sa kadahilanang hindi nabibigyan ng pagkakataon ang mga iba pang gustong magsilbi sa bayan.
Hindi rin aniya porke’t maganda ang ipinapakitang performance ng isang dynasty ay tama na ito sa ilalim ng demokrasya.
Matatandaang nito lamang sabado ay inihayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na hindi masama ang political dynasty at hindi ito mababago kung hindi babaguhin ang kasalukuyang konstitusyon.
Facebook Comments