Manila, Philippines – Mas lalo umanong dumarami ang bilang ng political clan sa bansa na nakapagtaguyod ng dinastiya sa gobyerno matapos ang rehimeng Marcos.
Ayon kay Dr. Ronald Mendoza, dean ng Ateneo School of Government – ito ang dahilan kung bakit mabagal ang pag-unlad ng ekonomiya at mas lalong dumarami ang mahihirap sa bansa.
Paliwanag ni Mendoza, nawawala ang check and balance dahil sa limitadong pamilya ang humahawak ng kapangyarihan sa mga lokal na pamahalaan.
Sa tala ni Mendoza noong 2007 nasa 69.6 percent ng mga gobernador ang mula sa political dynasty at umakyat ito sa 81.3 percent noong 2016.
Aabot naman sa 75.3 percent ng mga kongresista ang produkto ng political clan noong 2007 at umakyat sa 77.5 percent noong 2016.
Sa ngayon ay may anim na ang besyon ng anti-dynasty bill ang nakabinbin sa kongreso kung saan ang paghuli ay ang isinusulong ni Senator Bam Aquino.