Political dynasty, dapat isama sa maagang debate ng mga Presidentiables

Naniniwala si dating House Speaker Allan Peter Cayetano na kailangang isama ang isyu ng political dynasty na dapat pagdebatehan ng mga kakandidatong sa pagka-Pangulo.

Tugon ito ng dating House Speaker sa mga panawagan ng mga nasa academic sector na dapat nang tuldukan ang political dynasty.

Nauna nang inirekomenda ni Cayetano ang mas maagang debate ngayong Nobyembre upang higit na makilatis ng publiko ang mga kandidato.


Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Cayetano na bagamat nirerespeto niya ang ganitong panawagan, pero kung susuriin, mismong mga academicians ang ayaw mabago ang saligang batas.

Kung tututusin, uminit ang panawagan sa anti-dynasty dahil sa mga anti-Marcos na politicians.

Pero noong panahon ng 1950s at 1960s ay hindi naman ito isyu dahil sa matitinong angkan na mahusay na naglilingkod.

Sa kasalukuyan, may mga Cayetano na sa lungsod ng Taguig, sa Kamara at Senado.

Hindi rin aniya dapat ituring na masama ang dynasty dahil mayroon namang good political dynasty.

Iginiit din ng mambabatas na hindi naman tiyak na masosolusyunan ang korapsyon kung wala na ang dynasty dahil magkakaroon lang ito ng ibang porma o mukha.

Facebook Comments