Political Officer ng Komunistang Grupo, Sumuko sa Kalinga

Cauayan City, Isabela- Sumuko sa mga awtoridad ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) na tumatayong Political Officer sa ilalim ng Leonardo Pacsi Command ng Kilusang Larangang Guerilla (KLG) Marco.

Isang alyas Maya, 35-anyos ang boluntaryong sumuko sa harap ng Kalinga Police Provincial Office, RID PROCOR, RDEU/RSOG, RIU-14, 503rd Brigade, 50IB-PA, RMFB 15, 141 SAC-SAF at CIDG Kalinga matapos itong iharap ng Tabuk PNP.

Aminado umano ang sumukong si “Maya” na pumasok sa organisasyon noong September 11, 2017 hanggang sa pabayaan na lang umano siya noong November 27, 2019.


Una rito, nagsagawa ng negosasyon ang mga kasapi ng Kalinga Returnees Association (KRA), kani-kanilang mga pamilya sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang ahensya ng Tabuk City Government.

Samantala, sumasailalim na sa dokumentasyon at tactical interview ang sumukong dating miyembro ng terrorist group.

Facebook Comments