Patay ang isang political officer ng New People’s Army (NPA) nang makasagupa ang mga myembro ng 30th Infantry Battalion, Philippine Army sa bulubunduking bahagi ng Sitio Suoton, Brgy. Cagdianao, Claver, Surigao del Norte kahapon.
Kinilala ang nasawi an si Alyas “Asyong”, Vice Platoon Kumander at Political Officer ng SYP Platun 16C1, Guerilla Front 16 at Northeastern Mindanao Regional Committee.
Ayon 2nd Lieutenant Benjamin Elisano, Civil Military Operation Officer ng Philippine Army, nagpapatrolya ang mga sundalo sa lugar nang makatanggap ng sumbong mula sa mga residente sa lugar kaugnay sa presensiya ng armadong terorista at myembro ng New Peoples Army (NPA).
Habang nagpapatrolya kanilang nakasagupa ang mahigit kumulang na 10 bilang ng NPA na pinamumunuan ni Roel T Neniel o mas kilala bilang alyas “Jacob.”
Tumagal ng 15 minuto ang bakbakan na nagresulta sa pagkasawi ni Ka Asyong.
Nakuha rin sa pinangyarihan ang mga matataas na kalibre ng baril tulad ng dalawang (2) AK47 rifle, isang (1) M14 rifle, isang (1) bandolier, dalawang (2) magazine ng AK47 at pitong (7) magazine ng M14 na may kasamang mga bala, at iba’t ibang supply ng mga pagkain at mga gamot.