Iginiit ni presidential aspirant Senator Manny Pacquiao sa Commission on Elections o COMELEC na payagan ang mga political parties na magsagawa ng independent and third-party audit kaugnay sa napaulat na hacking incident.
Bukod dito ay sinabi ni Pacquiao na dapat ding gamitin ng Kongreso ang oversight powers nito kaugnay sa Automated Election Law.
Punto ni Pacquiao, hindi ito ang unang pagkakataon na nabiktima ng hacking ang COMELEC na nagpapakita sa kahinaan ng seguridad ng computer system nito.
Dahil dito ay bingyang-diin ni Pacquiao, na hindi dapat palampasin ang napaulat na panibagong hacking incident sa COMELEC.
Pinagpapaliwanag din ni Pacquiao ang COMELEC kung ano ang totoong pangyayari at kung ano ang epekto nito sa darating na halalan.
Diin ni Pacquiao, kailangan din nating malaman kung may nakahandang plano ang COMELEC kung sakaling nakompromiso ang ating automated polling system.