Political pressure and noise, dapat tuldukan na matapos sabihin ni Senator Lacson na walang ebidensyang direktang magsasangkot kay Rep. Romualdez sa flood control scandal

Umaasa si House Deputy Speaker at La Union Rep. Paolo Ortega V na matitigil na ngayon ang mga kritiko sa pag-iingay, patuloy na paghahasik ng espekulasyon at political pressure.

Giit ito ni Ortega matapos sabihin ni Senate President Pro Tempore Panfilo Ping Lacson na walang ebidensiya na direktang nag-uugnay kay dating House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa flood control controversy.

Ayon kay Ortega, malinaw sa sinabi ni Lacson na ebidensya ang tanging sinusundan ng mga ikinakasang pagdinig ng pinamumunuan nitong Senate Blue Ribbon Committee.

Ipinunto ni Ortega na mahalaga ang pananagutan pero hindi ito maaring ibatay sa mga intriga at sa kawalan ng mga sinumpaang salaysay, mga dokumento at ebidensya.

kaya naman panawagan ni Ortega, mainam na hayaan na lang ang mga institusyon na gawin ang trabaho nila nang walang halong pamumulitika.

Facebook Comments