POLITICAL RIVALRY AT CONFLICT NA MAAARING PAGMULAN NG LIGALIG SA NALALAPIT NA BSKE 2023, TINUTUKAN NG OTORIDAD

Tinututukan ng otoridad, ang hanay ng kapulisan at tanggapan ng COMELEC sa lalawigan ng Pangasinan ang isyung political rivalry at conflict na siyang maaaring pagmulan ng mga hindi inaasahang mga insidente kaugnay sa panahon ng eleksyon sa darating na buwan ng Oktubre.
Bunsod ito ng mga insidente na nangyari tulad ng 2018 Barangay Election at upang ngayon pa lang umano ay maagapan at maiwasan ang mga possible pang kaguluhan na mangyari.
Matatandaan na naglabas na ang otoridad ng mga lugar sa ilalim ng yellow category areas of concern o tinatawag na hotspot sa lalawigan dahil sa political history ng mga ito noong mga nakaraang taon ng eleksyon. Ito ay ang ilang barangay sa mga bayan ng Burgos, Mangatarem at San Quintin.

Natalakay din sa naganap na Provincial Joint Security Control Center Command Conference na pinangunahan ng COMELEC ang mga hakbangin, aksyon at estratehiya sa pagtugon sa mga nakikitang isyu kaugnay dito. |ifmnews
Facebook Comments