POLITICAL SEASON | Magdalo group papansin lang ayon sa Malacañang

Manila, Philippines – Naniniwala ang Palasyo ng Malacañang na kaya patuloy ang banat ni Senador Antonio Trillanes IV at Magdalo Representative Garry Alejano ay dahil political season ngayon.

Ito ang pahayag ng Malacañang sa harap na rin ng mga banat ni Trillanes kay Pangulong Rodrigo Duterte at hamunin ito na kumuha ng IQ test habang sinabi naman ni Alejano na ang biyahe ni Pangulong Duterte sa Israel ay para ito magpatingin dahil sa malubhang sakit.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, hindi na dapat pinapatulan ang mga sinasabi ni Trillanes dahil nagpapapansin lamang ito.


Pulitika din naman aniya ang dahilan ng pagpapapansin ni Alejano patungkol sa biyahe ng Pangulo sa Israel dahil gagawin nito ang lahat para lang mapansin ng tao lalo pa at panahon ngayon ng pulitika dahil papalapit na ang halalan.

Binigyang diin ni Roque na ang biyahe ng Pangulo sa Middle East ay para palakasin pa ang relasyon ng Pilipinas sa Israel at sa Jordan at alamin ang kalagayan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) doon.

Facebook Comments