Suportado ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang pagsisikap ni Pangulong Rodrigo Duterte na buwagin ang oligarchy dahil nakakasama ito sa bansa.
Ayon kay Drilon, sa ilalim ng oligarchy ay nagagamit ng iilang tao ang pera at kapangyarihan para impluwensyahan ang pamahalaan pabor sa sarili nilang interes at negosyo.
Gayunpaman, iginiit ni Drilon na kailangang ireporma ang political structure ng bansa upang hindi mapalitan ng mga cronies ang bubuwaging oligarchs.
Handa si Drilon na tumulong sa Administrasyong Duterte para sa pagrepaso sa istraktura ng pamahalaan at sa pagbalangkas ng batas laban sa mga oligarchs.
Sinabi ni Drilon, malaking tulong dito ang pagsasabatas ng inihain niyang Anti-Political Dynasty Bill at pagsasaayos sa political party system para matigil ang pagbalimbing ng mga politiko na pinapakinabangan ng mga oligarch.