Political Terrorism, pinatutukan ng DILG kasunod ng pagkaresolba sa Batocabe case

Kasunod ng pagkakatukoy kay Daraga Mayor Carlwyn Baldo bilang utak sa pagpatay kay Congressman Rodel Batocabe, balak ng DILG na gawing standard ang ginamit na police investigation at intelligence operations upang lansagin ang tinawag nitong “political terrorism”.

Inilagay ng DILG ang PNP sa heightened alert para i-monitor ang aktibidad ng mga kandidato na may kaugnayan sa nalalapit na eleksyon sa Mayo.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, magsilbing babala ang nangyari kay Mayor Baldo sa ibang mga pulitiko na naghahangad ng karahasan sa kanilang mga katunggali sa pulitika.


Facebook Comments