Maaring may kinalaman sa politika o away pamilya ang dahilan sa pamamaslang kay Datu Saudi Ampatuan 1st Councilor Sahabudin Namili, ito ang naging pahayag ni Maguindanao PNP Director SSupt Agustin Tello sa panayam ng DXMY RMN Cotabato.
Agad na ring ipinag utos ni PD Tello sa kanyang mga kapulisan ang malalimang imbestigasyon kaugnay sa kaso ng pamamaril sa 42 anyos na konsehal.
Si Councilor Namili ay ikatlong Municipal Official na ng DSA na napatay sa loob lamang ng dalawang taon, matatandaang walang awang pinagbabaril din si Mayor Samsudin Dimaukom kasama ng 9 iba pa sa bayan ng Makilala noong October 28 , 2016 at ang naitalagang bise Mayor na si Anwar Sindatuk noong November 26, 2016 sa Brgy. Madia.
Kasalukuyang agad ng nagpadala ng mga emisarsyo ang PNP at Provincial Government sa Datu Saudi para mapahupa ang sitwasyon. Sinasabing 3 Baranggay ngayon ang tensyonado matapos ang pangyayari.
Ang Datu Saudi Ampatuan ay matatagpuan sa second district ng Maguindanao at naging tanyag dahil sa Masjid Dimaukom o ang Pink Mosque ngunit binalot rin ng pagkabahala sa mga motorista bunsod sa presensya ng mga armado .
GOOGLE PIC