Politika sa bansa, marumi; Sara, hindi tatakbo sa pagkapangulo – Pangulong Duterte

Muling nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi tatakbo ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa pangkapangulo sa nalalapit na 2022 elections.

Sa situation briefing sa Surigao del Sur, iginiit ng Pangulo na naaawa siya sa kanyang anak.

Dagdag pa ng Pangulo na hindi lalahok ang kanyang anak sa presidential race sa susunod na halalan dahil alam niya kung gaano karumi ang pulitika sa bansa.


Ang pahayag ng Pangulo ay kasunod ng panawagan ni Surigao del Sur Governor Alexander Pimentel na dapat may magpatuloy sa kanyang mga nasimulan lalo na ang paglaban sa insurgency sa rehiyon.

Nabatid na iba’t ibang grupo na ang nagtutulak kay Mayor Sara na tumakbo sa pagkapangulo.

Lumabas din sa pinakabagong survey ng OCTA Research na nangunguna si Mayor Duterte sa presidential at vice presidential preference ng mga botante.

Muling nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi tatakbo ang kanyang anak na si Davao City.

Facebook Comments