Politiko sa South Africa, pinagbigyan sa hiling na ilibing sa kanyang Mercedes-Benz

Photo by @Yknip1 on Twitter

Tinupad ng mga naulilang kaanak ang hiling ng isang namayapang politiko at negosyante sa South Africa na ilibing sa loob ng kanyang Mercedes-Benz.

Suot ang puting shirt at suit, ipinuwesto ang mga labi ni Tshekede Bufton Pitso sa driver seat ng paborito niyang sasakyan na ibinaon sa Sterkspruit noong Marso 28.

Noon pa man ay nakilala na ang dating lider ng United Democratic Movement (UDM) ng Eastern Cape sa kanyang garahe ng mga Mercedes car.


Kuwento ng kanyang anak sa local media, napilitan si Pitso na ibenta ang mga sasakyan noong nagkagipitan, ngunit ‘di nagtagal ay nakabili rin siya ng second hand na Mercedes-Benz na naging paborito nito.

“He said when the time came he wanted to be buried in it. We listened to him and honored his wish and hope he is happy looking down on us,” saad ng anak.

Sa isang Facebook post, inalala siya ng kapwa politikong si Mfundo Nqata Bongela bilang tapat na taga-suporta ng UDM.

“A flamboyant character until death. I’m [not] suprised that [you] asked to be taken to your final resting place in your favorite Mercedes Benz,” sabi ni Bongela.

Nagpahayag din ng pakikiramay sa Twitter ang kasalukuyang presidente ng UDM na hindi nakapunta sa libing dahil kinailangang mag-quarantine matapos may makasalamuhang COVID-19 positive.

Photo by @Yknip1 on Twitter
Facebook Comments