Polling precinct sa Hong Kong, dadagdagan ng COMELEC sa harap ng pagdagsa ng OFWs na lumalahok sa overseas absentee voting

Dadagdagan ng Commission on Elections (COMELEC) ang polling precinct sa Hong Kong sa harap ng pagdagsa ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na lumalahok sa overseas absentee voting.

Ayon kay COMELEC Commissioner Marlon Casquejo, mula sa 5 ay gagawin nilang 10 ang voting precincts doon upang maiwasan ang siksikan ng mga bumobotong Pinoy workers.

Ito ay matapos na magpatupad ng cut-off ang Hong Kong Police makaraang makita na hindi na nasusunod ang social distancing protocol sa polling precinct.


Maging ang bilang ng vote counting machines sa Hong Kong ay dadagdagan din ng COMELEC.

Nanawagan naman sa OFWs ang Philippine Consulate General sa Hong Kong na iwasang sabay-sabay na dumagsa sa voting precincts doon.

Facebook Comments