POLO-OWWA office sa Jeddah, isinara matapos may mamatay na staff sa COVID-19

520

Pansamantalang isinara ang opisina ng Philippine Overseas Labor Office – Overseas Workers Welfare Administration (POLO-OWWA) sa Jeddah, mula Hulyo 22 hanggang Agosto 9.

Ito’y matapos masawi ang isang tauhan nito sa komplikasyon sa COVID-19, noong Lunes.


Bukod dito, tatlo pang empleyado ang nakitaan ng sintomas ng COVID-19, na inabisuhan na ring mag-home quarantine.

Tuloy naman sa konsulado ang pamamahagi ng ayuda mula sa programang Abot Kamay ang Pagtulong ng Department of Labor and Employment (DOLE-AKAP) hanggang Huwebes, Hulyo 23.

Gayundin ang pagpapadala ng nasabing cash assistance sa mga tirahan ng mga benepisyaryo nito.

Mananatiling bukas ang linya ng POLO-OWWA na 056-981-9720 para sa emergency labor concerns.




Habang, bukas naman ang konsulado para sa serbisyong consular tulad ng passport, at iba pa.

Facebook Comments